“Major Major Eyeball”
Ok. Pangit yata yung ginawa kong title para sa larawang ito. Hindi dapat major major eyeball. Pang-textmate ang tunog. Panget din naman kung meet-up. Para lang Tumblr. Kaya’t tawagin na lamang natin ito sa tamang pangalan - a major major courtesy call.
Natural lamang (hindi ko alam kung ito ba ay isang protocol) na ang isang tao o grupong nagbigay ng karangalan sa Bansa ay magkaroon ng courtesy call sa Pangulo sa Malakanyang.
Sinasabing si Venus Raj ang nagsalba (kahit papaano) sa Pilipinas sa kahihiyang naidulot ng Quirino Grandstand Hostage Crisis. Matalino si Venus Raj. Sinasabi din na with honors siyang nagtapos noong Kolehiyo. Sana ay may maibigay siyang major major na suhestyon para sa ikauunlad ng Bansa, para tayo’y tumahak sa tuwid na landas.
But for now, just enjoy the spotlight.
